When I was left alone, I remember the memories that made me strong, the words that built my armor... and it's the words that you said... the friendship that we had...
Sa lawak ng karagatan, di ko alam ang dulo ng walang hanggan... walang hanggang kalungkutan... Minsan naisip ko, bakit ganun ang panahon? May mga oras na masaya ka sa piling ng barkada, ng mga kaibigan at kasangga... Subalit dumarating ang sandaling iiwan ka rin nila, hindi mo alam kung bakit... May umaalis, may dumarating. Subalit mahirap panghawakan ang pangakong di ka iiwan ng isang kaibigan.
Sa aking pag-iisa, iniisip kita... ang lahat ng mga sinabi mo, mga salitang bumuong muli sa aking pagkatao, mga payong nagpalakas sa nanghihina kong disposisyon... mga katagang nagsilbing inspirasyon...
Hindi na kita naririnig... marahil ay iniwan mo na rin ako, tulad nila... Iniisip ka sa aking pag-iisa, ang ating pagkakaibigang nabuo, ang pagtitiwalang nagbigay ng pag-asa... Pero wala ka na rin... at malungkot ang mag-isa, lalo na kung walang kaibigang makakasama, walang nagpapatawa at pumapawi sa luhang magpahanggang ngayon ay umaagos pa...
Sa aking pag-iisa, miss na miss na kita...

